15K Pinoy Pogo workers ng Island Cove, prayoridad sa magiging job fairs ng gobyerno

15K Pinoy Pogo workers ng Island Cove, prayoridad sa magiging job fairs ng gobyerno

MAGIGING prayoridad ang nasa 15K na Pinoy POGO workers mula sa ipinasara nang Island Cove Hotel and Resort sa Kawit, Cavite sa mga job fair ng gobyerno.

Tiniyak ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang tugon sa pangamba ng mga manggagawa na mawawalan na sila ng pagkakakitaan dulot ng permanenteng pagsasara ng POGO hubs sa bansa.

Maliban sa 15K Pinoy workers, mayroon ding 15K na Chinese nationals na nagtatrabaho sa Island Cove Hotel POGO Hub.

Nagsimula ang POGO operation nila noong taong 2019 at nagtapos noong Nobyembre 2024.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter