2 domestic flights, kanselado dahil sa masamang panahon

2 domestic flights, kanselado dahil sa masamang panahon

KANSELADO ang dalawang domestic flights ngayong araw dahil sa masamang panahon sa destinasyon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang Flights DG 6177 at 6178 na Manila-Masbate-Manila ng Cebgo.

Pinapayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang tickets.

Follow SMNI NEWS in Twitter