2 miyembro ng local CTG, nasawi sa Basilan

2 miyembro ng local CTG, nasawi sa Basilan

NASAWI ang dalawang miyembro ng local communist terror group (CTG) matapos ang isinagawang operasyon ng militar sa Basilan.

Ayon kay Colonel Frederick Sales, acting Commander ng Joint Task Force Basilan (JTFB), kinilala ang mga napatay na sina Dodong at Boy.

Sila ay mga tagasunod ng Sulu-based Daulah Islamiyah-Abu Sayyaf Group sa ilalim ng sub-leader na si Mudzrimar Sawadjaan, alyas Mundi, at Basilan-based Abu Sayyaf Group sa ilalim ng sub-leader na si Pasil Bayali, alyas Kera.

Nabatid na isinagawa ang operasyon ng militar sa Sitio Talisay, Brgy. Upper Benembengan, Sumisip para tugisin ang dalawang notorious na sub-leaders ng Abu Sayyaf.

Itinurn-over ng militar ang mga labi sa barangay chairman ng Upper Benembengan at Sumisip Police para sa wastong disposisyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter