MAHIGIT sa isang dosena ang sugatan at 2 minor de edad ang nasawi sa magkakaibang insidente ng pamamaril sa iba’t ibang dako ng Estados Unidos ngayon lamang nakaraang linggo, na panahon din ng Semana Santa.
Kinumpirma ng punong polisya na si Scott Schubert, mahigit 12 ang nasugatan at 2 minor de edad ang nasawi sa pamamaril sa isang pribadong pagtitipon na ito at karamihan sa mga biktima na dumalo ay minor de edad.
Sa kasadsaran ng paghahanap ng mga saralin sa pamamiril sa South Carolina, nabulabog ang isang mall sa kapitolyo ng Columbia S.C sa magkakasunod na putok ng baril, 9 na katao ang nabaril sa insidente at 5 naman ang nasugatan edad 15 hanggang 73 taong gulang.
Hinala ng pulisya na ang dahilan ng barilan ay hindi pagkakaintindihan ng mga suspect.
Isa sa tatlong suspect na si Jewayne Price–22 anyos ang naaresto, ayon sa kanyang abogado na si Atty. Todd Rutherford, ginamit lang ni Price ang kanyang baril para protektahan ang kanyang sarili at hindi para manakit ng mga sibilyan, dinagdag pa nito na ang residente ng South Carolina na my edad 21 pataas ay maaari ng makakuha ng lisensya o permiso magdala ng baril pagkatapos makapasa sa 8 oras na pagsasanay at background check.
Noong nakaraang linggo naman sa New York isang lalaking nagngangalang Frank R. James ang nahuli isang araw matapos pagbabarilin ang kapwa pasahero sa isang bagon sa subway kung saan halos 10 ang sugatan.
Sa huling 2 taon dito Estados Unidos, halos 66% ang itinaas ng mass shooting at naitalang 130 insidente ngayong taon.