NADAGDAGAN ng 205 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong linggo.
Batay sa huling update ng Department of Health (DOH), may 13, 660 na nananatiling aktibong kaso.
Naitala naman ang pinakamaraming kaso sa National Capital Region, Calabarzon, Central Luzon, Western Visayas at Davao Region.
Mula naman sa higit 3.68 milyong kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa, higit 3.61 milyon dito ay nakarekober na sa sakit.
Habang higit 60,000 naman ay nasawi.
Patuloy naman na pinapayuhan ang lahat na pairalin pa rin ang safety at health protocols upang maiwasang magkaroon muli ng malawakang hawaan ng COVID-19.