$24.9M pandemic fund, aasahang maipatutupad sa unang quarter ng 2025—DA

$24.9M pandemic fund, aasahang maipatutupad sa unang quarter ng 2025—DA

INAASAHANG sisimulan na ng gobyerno ang implementasyon ng 24.9 million dollars na pandemic fund sa unang quarter ng 2025.

Ayon ito sa Department of Agriculture (DA) matapos makuha ng Pilipinas ang grant mula sa World Bank upang palakasin ang kampanya ng bansa kontra sa iba’t ibang banta sa kalusugan ng tao at hayop.

Partikular na gagamitin ito sa pagpapaganda at pagsasaayos ng mga laboratory sa bansa at capacity building ng mga veterinarian.

Sa ngayon ay nakikipagtulungan na ang DA sa Department of Finance at National Economic and Development Authority (NEDA) hinggil dito.

Kung tuluyan nang sisimulan, pangunahing magpapatupad nito ay ang Bureau of Animal Industry ng DA at ang Department of Health (DOH).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble