NAG-aalok ang Japan at ilang mga bansa sa Europa ng hanggang 28K trabaho para sa mga Pilipinong driver sa loob ng limang taon.
Partikular na sa Japan, 24.5K ang bakanteng trabaho sa kanilang bansa para sa interesadong Pinoy taxi drivers habang 3.8K ang bakante para sa interesadong maging train drivers.
Nasa P58K-P65K ang buwanang sweldo para sa mga ito.
Kailangan nga lang ng Japan ang language proficiency certificate ng isang driver.
Sa Europa, truck, bus at taxi drivers ang kailangan sa Slovenia, Czech Republic, at Austria.
Nasa P55K-P142K ang buwanang sweldo naman na alok ng European countries.
Hiling lang din ng mga bansang nasa Europa na marunong magsalita ng English ang mag-aapply ng trabaho.
Hinggil dito, para iwas-scam ay dumaan lahat ang aplikante sa Department of Migrant Workers.