TINATAYANG nasa 30 milyong kilo na smuggled pork ang nakapasok sa bansa noong nakaraang taon.
Sa isang statement, sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan na may discrepancy sa pork importation sa datos o figure ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Animal Industry (BAI) noong nakaraang taon.
Matatandaan na noong nakaraang hearing ay sinabi ng BAI na dahil sa mga smuggled pork na nakakapasok sa BOC kaya lumaganap ang African Swine Fever sa bansa.
Sa datos ng BOC ay nasa 225 million kilos ng baboy na may value na P16-B ang na-import noong 2020 habang sa BAI ay nakapag-report ito ng 256 milyong imported meat product.
“Bakit magkaiba ang data ng Customs at ng BAI? Bakit mas mababa ang sa Customs? Nasaan napunta ang mga 30 million kilos ng imported na baboy? Yan kaya ang dami ng imported na baboy na nakalusot sa Customs ng walang tax?” pahayag ni Pangilinan.
Sa pagdinig ngayong araw, inaasahang pag-uusapan at uungkatin ng Senate Committee of the Whole ang kaugnay sa pork importation.
Ayon sa senador, kailangang maipaliwanag ng BOC ang hinggil sa isyu na may misdeclaration sa mga pork shipments na kung saan ay nakakaiwas ang smugglers sa pagbabayad ng tamang taripa sa tulong ng mga Customs Officials.
Matatandaan naman na noong unang pagdinig ng Committee of the Whole ay pinababawi ng mga senador kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang EO 128 o ang kautusan para sa pagbaba ng taripa sa pork imports.
(BASAHIN: DA, iimbestigahan ang umano’y korupsiyon sa pork importation)