NASUNOG ang nasa 30 bahay sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila, umaga nitong Huwebes, Enero 23, 2025.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), katumbas ito ng 300 katao na nawalan ng bahay.
Umabot na ng first alarm ang naturang sunog, 2:15 ng madaling araw at nasa fifth alarm na ito sa loob lang ng anim na minuto.
Mabuti na lang at naapula na ito 4:14 ng umaga.
Sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog sa barangay 20 sa second floor ng isang two-story na bahay.