Hindi lamang turismo at kultura ang pinasigla ng Kalimudan Festival 2026 kundi pati ang lokal na ekonomiya ng Sultan Kudarat. Sa pagdagsa ng mga bisita sa grand closing ceremony, nagkaroon ng pagkakataon ang mga maliliit na negosyante na makilala ng mas maraming mamimili, mapalawak ang kanilang merkado at madagdagan ang kita.
Sa bawat pagkaing inihahanda at produktong ibinebenta sa Kalimudan Flea Market, may katumbas itong oportunidad para sa mga negosyanteng nais mapalago ang kanilang kabuhayan.
Isa na rito ang Nami Maki mula General Santos City na nakinabang sa pagkakataong ipakilala ang kanilang negosyo sa mas maraming mamimili sa Sultan Kudarat.
“Si Kalimudan Festival kasi sobrang laki niya, so malaking tulong talaga siya sa business namin kasi mas maraming tao ang mas makakakilala kay Nami Maki, specially kami na taga-GenSan lang po, so hindi pa kami masyadong kilala sa Sultan Kudarat. And thank you sa Kalimudan Festival kasi nakilala si Nami Maki sa Sultan Kudarat,” ayon kay Jen | Representative, Nami Maki.
Bukod sa mas nakilala ang kanilang negosyo, nakatulong din ang tuloy-tuloy na pagdating ng mga mamimili upang magkaroon sila ng mas maraming oportunidad na makabenta.
“Makikita naman talaga ng mga tao na ang food traffic ay walang hinto. So far, so good naman, paldo pa rin naman,” dagdag ni Jen.
Para naman kay Donnabel, may-ari ng Donna’s Kitchen, malaking tulong ang Kalimudan Festival 2026 sa mga small business owner dahil dinarayo ito ng mga bisita mula sa iba’t ibang lalawigan at bayan.
Sa kabila ng mataas na presyo ng mga bilihin at sangkap, pinili pa rin nilang lumahok sa festival dahil sa malaking oportunidad na maidudulot nito sa kanilang negosyo.
“’Yong laki ng tulong ng Kalimudan Festival para sa amin na mga small business ay napakalaki talaga kasi alam naman ng lahat na kapag Kalimudan, talagang dinarayo talaga ng mga tao from different provinces and municipalities. So kaming mga owners na kahit medyo mataas na ang mga bilihin, nag-join pa rin kami ng Kalimudan kasi napakalaking tulong talaga sa amin,” wika ni Donnabel | Owner, Donna’s Kitchen.
At sa dami ng mamimiling dumayo sa kanilang puwesto, naging maganda rin ang resulta ng kanilang pagbebenta.
“’Yong benta po namin, paldo po kami, kaya thank you sa Kalimudan. Thank you po talaga,” ani Donnabel.
Malaki rin ang naging papel ng Kalimudan Festival 2026 sa pagpapakilala at pagpapalawak ng merkado ng Hei Tang Pai.
Mula sa Isulan, umabot na rin ang kanilang negosyo sa Cagayan de Oro, Zamboanga at Iligan.
“Actually, Kalimudan Festival is a very big help, specially to Hei Tang Pai, specially dito siya unang nakilala kasi dito namin siya dinala. Actually, ang Hei Tang Pai ay dinadala namin sa iba’t ibang lugar like sa Cagayan de Oro City, we went to Zamboanga to Iligan, pero dito po talaga nag-start ang Hei Tang Pai kaya sobrang pasasalamat namin sa Kalimudan Festival,” ayon kay Rokisia Luganao | Supervisor, Hei Tang Pai.
Dahil sa dami ng mga bisitang bumili at tumangkilik sa kanilang produkto, nabawi rin ng negosyo ang inilaan nitong puhunan.
“It’s pretty good, sobrang laking tulong kasi sobrang daming tao. Kasi marami din ang pumupunta from different cities. I can say naman na sobrang bawing-bawi kung ano ‘yong pinuhunan naming,” ayon kay Rokisia Luganao | Supervisor, Hei Tang Pai.
Nagpasalamat din ang mga negosyante kay Sultan Kudarat Governor Datu Pax Ali Mangudadatu sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataong makilahok at magbenta sa Kalimudan Festival 2026 Flea Market.
“To Governor Datu Pax Ali Mangudadatu, thank you po, Governor, for the opportunity para mas makilala pa si Nami Maki dito sa Sultan Kudarat,” pasasalamat ni Jen.
“Gov, thank you so much for this opportunity po na maka-join kami sa Kalimudan 2026 Flea Market at isang napakalaking tulong sa amin na mga stall owners na ganitong klaseng programa. Thank you, thank you, Gov,” ayon naman kay Donnabel.
“To Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu, although I’m not from here, sana magpatuloy ang serbisyo dito sa Isulan at sobrang nakikita naman ng mga tao at patuloy po nating pahalagahan ang ating kultura. I can see it naman sa mga reaksyon sa mga comment sa social media kung gaano siya kagaling bilang isang opisyal, so sana po magpatuloy ang kanyang pangangalaga sa mga taga-Isulan,” wika ni Luganao.
“They feel safe in Sultan Kudarat, they feel safe in Mindanao, the feel safe in the Philippines—that is what we want. That is what we promote in Sultan Kudarat. Our people are peace loving, that people are harmonious, and we want to show the hospitality to all of our visitors. And we want to remain that way,” pahayag ni Gov Datu Pax Ali Mangudadatu, Province of Sultan Kudarat.
Sa pagtatapos ng Kalimudan Festival 2026, hindi lamang masasayang alaala at makukulay na pagtatanghal ang maiiwan kundi pati ang dagdag-kita at mga oportunidad na napakinabangan ng mga lokal na negosyante.
RELATED STORIES:
Grand Global Pavilion ng Kalimudan Festival 2026, dinagsa ng mga turista
Maan Chua, nakiisa sa pagdiriwang ng Kalimudan Festival 2026
Pickleball tournament na may P2.4-M prize pool, idinaos sa Sultan Kudarat
