HINAHANAP pa rin ang apat na nawawalang mga Pilipino sa Myanmar.
Ito’y habang ang Burmese government ay lumipat na mula sa search and rescue operations patungo sa pagkuha ng mga bangkay sa mga lugar na tinamaan ng lindol.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa ‘identification of remains’ na lamang ang Myanmar dahil hindi na nila iniisip na may matatagpuang mga survivor.
Samantala, nauna nang sinabi ng DFA na karamihan sa mga bangkay na nakuha mula sa gumuhong Sky Villa Condominium sa Mandalay, Myanmar ay kailangang i-cremate dahil sa kakulangan ng pasilidad para sa cold storage sa lungsod.
Ang naturang condominium ay ang parehong gusali kung saan pinaniniwalaang na-trap ang apat na Pilipino.
Follow SMNI News on Rumble