PANALO na, natalo pa. Ganyan ang sinapit ng Milwaukee Bucks sa laban nila kontra Indiana Pacers ngayong Miyerkules sa Indianapolis.
Sa kanilang laban, dikitan ang iskor ng dalawang koponan kung saan nagtapos ang third quarter sa 88 tie-score.
Sa last 12 minutes ng kanilang game, mabilis na nakalamang ng 10 puntos ang Indiana ngunit mabilis din itong nabawi ng Bucks.
Sa natitirang 3.9 seconds sa kanilang game clock, lamang ng 3 points ang Milwaukee sa iskor na 114-111.
Pero sa inbound pass kay Tyrese Haliburton, nagawa nitong maipasok ang 3-point shot at nakakuha pa ng foul.
Sa huli, nagtapos ang kanilang laban sa iskor na 115-114.