ARESTADO ng Pasay City Police Substation 1 ang apat na suspek matapos tangkain na dukutin ang isang 35-year-old Chinese businesswoman na nasa loob ng puting BMW Sedan.
Napigilan ng mga nagpapatrolyang pulis ang mga suspek ng kidnapping sa kahabaan ng Roxas Boulevard, Brgy. 6, Pasay City, alas-7:30 ng umaga Lunes, Enero 22, 2024.