IKAKASA ngayong araw ang 5 araw na pagsasaayos ng sirang bahagi ng EDSA Bus Lane.
Ikakasa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang limang araw na asphalt overlay at road repairs sa mga lubak at sirang bahagi ng EDSA Carousel Bus Lane.
Magsisimula ito 10 pm ng Biyernes, Agosto 4 hanggang 5 am ng Agosto 9, Miyerkules.
Kaugnay nito, nagpulong ang MMDA para sa nasabing pag-aayos ng kalsada nitong Huwebes.
Tinalakay ang paghahanda ng MMDA sa traffic management sa gagawin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pag-aayos sa mga lugar sa kahabaan ng EDSA Carousel Bus Lane.
Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang pagdaan dito at gamitin ang mga Mabuhay Lanes bilang alternatibong ruta.