LIMA pang basketball players ang sinuspinde na walang bayad ng NBA matapos nasangkot sa nangyaring away sa pagitan ng Miami Heat at New Orleans Pelicans noong nakaraang linggo.
Si Jimmy Butler ng Heat at Naji Marshall ng Pelicans ay suspendido ng isang laro dahil sa pang-uudyok ng away sa court.
Habang si Jose Alvarado ng New Orleans at Thomas Bryant ng Miami ay suspendido ng tatlong laro matapos lisanin ang bench area nang magkaroon ng away.
Si Nikola Jovic naman ng Heat ay suspendido rin.
Nag-umpisa ang away nang ninakaw ni Zion Williamson ng Pelicans ang bola mula kay Butler.