6 pulis-Maynila, sibak sa puwesto matapos ang isang hold-up incident

6 pulis-Maynila, sibak sa puwesto matapos ang isang hold-up incident

SA viral video na kuha ng isang netizen sa Sta. Mesa, Maynila, makikita ang mga pulis na may bitbit na riot shield at batuta na kanilang isinusundot sa umano’y hold-upper na nasa loob ng jeep.

Pero ang pinaghihinalaang hold-upper, nakatakbo palabas ng jeep.

Ang mga pulis naman agad itong pinaputukan ng baril dahilan para magtamo ito ng sugat sa binti.

Kalaunan ay nadakip din ang umano’y hold-upper.

Pagkatapos ng insidente, agad na nagdesisyon ang Philippine National Police (PNP) na sibakin sa puwesto ang anim na pulis na sangkot sa nasabing operasyon.

Ito ay habang nagsasagawa ng imbestigasyon kung nagkaroon ba ng lapses sa ipinatupad nilang police operational procedures sa insidente.

Kasama naman sa pagpapaliwanagin ang precinct commander.

Ayon kay Acting PNP chief PIO PCol. Jean Fajardo, titingnan din nila kung dumaan ba sa tamang pagsasanay ang mga rumespondeng pulis dahil kung sakali, puwede silang sumailalim sa orientation at refresher course ng PNP.

Matatandaang, nito lamang nakaraang linggo ay muling ipinag-utos ni PNP chief police general sa mga commanders nito na maging responsable sa mga galaw at desisyon para maiwasang masangkot sa anumang iregularidad lalo na kung nakokompromiso ang kaligtasan ng isang indibidwal o komunidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble