Showcase area ng ‘Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM): Pasig River Urban Development’ project sa Jones Bridge, pormal nang pinasinayaan

Showcase area ng ‘Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM): Pasig River Urban Development’ project sa Jones Bridge, pormal nang pinasinayaan

PORMAL nang pinasinayaan ang showcase area ng ‘Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM): Pasig River Urban Development’ project sa Jones Bridge sa lungsod ng Maynila nitong 17 Enero 2024.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang event kasama ang ilang opisyal ng pamahalaan, mga senador at ilang Metro Manila Mayors.

Magsisilbing pampublikong parke ang bagong itinayong showcase area sa Maynila, na nagtatampok ng isang pedestrian-friendly walkway sa isang concrete platform.

Ito ay nilagyan ng water fountain at mga sitting area na maaari ring magsilbing open-air venue para sa mga event.

Ang showcase area ng Pasig River Urban Development project na ito ay sumasaklaw sa halos 500 metro sa likod ng Manila Central Post Office building.

Follow SMNI NEWS on Twitter