PATULOY na nakikipag-ugnayan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Department of Foreign Affairs (DFA) para maisalba ang 60 Pilipinong manggagawa na nasa death row sa iba’t ibang bansa.
Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, patuloy rin ang pagtulong ng DMW sa mga Pilipinong nakakulong at nahaharap sa bitay ng kamatayan sa ibang bansa.
Kabilang sa mga tinutulungan ng DMW ang pamilya ni Mary Jane Veloso.
Nitong nakaraang linggo, nakauwi na ang kapatid ni Mary Jane na si Maritess, na isa ring distressed OFW mula sa Saudi Arabia.
Nakatanggap na rin siya ng financial assistance mula sa DMW.
Patuloy na nagbibigay ng suporta ang DMW sa mga Pilipinong nasa death row at sa kanilang mga pamilya.