NAIS ng nasa 4 sa bawat 5 o 78% na Pilipino na magkaroon ng sariling negosyo, upang magkaroon ng kontrol sa sarili nitong mga oras, ayon sa survey na isinagawa ng OCTA Research para sa ‘Go Negosyo’, isang advocacy ng Philippine Center for Entrepreneurship.
Ang resulta ng survey ay isinagawa sa nasa 1,200 na mga Pilipino na edad 18 pataas sa buong socio-economic classes.
Ang pagkawalan ng boss na kailangang sundin at pagkakaroon ng sariling oras ang sinabing dahilan ng nasa 30% ng mga nakilahok sa survey, kung bakit nais na magkaroon ng sariling negosyo.
Samantala, ang iba naman ay nagsabing nais na magkaroon ng mas malaking potensiyal na kumita ng mas malaki.
Ayon kay Go Negosyo Founder Jose Ma. Concepcion III, ikinatutuwa nila na mas maraming Filipino na ang kinokonsidera ang pagkakaroon ng sariling negosyo at ibig sabihin nito ay epektibo ang adbokasiya ng kanilang grupo.