8 dayuhang miyembro ng pinakamalaking sindikato ng iligal na droga sa buong mundo, naaresto ng NBI at BI

8 dayuhang miyembro ng pinakamalaking sindikato ng iligal na droga sa buong mundo, naaresto ng NBI at BI

ARESTADO ng Bureau of Immigration (BI) sa pakikipagtulungan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa magkakahiwalay na operasyon sa Las Piñas City at Makati City ang 8 hinihinalang miyembro ng isa sa pinakamalaking sindikato ng iligal na droga sa buong mundo na West African drug syndicate.

Kinilala ang arestadong magkapatid na Yemeni nationals na sina Ayesh Hazem Faiz Kadaf at Ayesh Hamzah Faiz Kadaf.

Nasakote sila sa kanilang bahay sa Las Piñas City gayundin sina Mohamoud Mouhoumed Mohamed, Djibouti national, na nakumpiskahan pa ng bawal na droga.

Ang mga Sudanese nationals naman na sina Mohamed Alfaith Mohamed Saeed Osman, Eltayeb Ahmed Subahi Faris at Angolan Ciel do Carmo Miguel Domingos, ay nasakote sa kanilang bahay sa Gen. Luna St., Poblacion, Makati City.

Arestado rin ang Sri Lankan na si Mohamed Silmy Sahabdeen at Kyrgyztani national na si Anara Ruslanova.

Ang 8 dayuhan ay pansamantalang nakakulong sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang dinidinig ang kanilang mga kasong kriminal at deportation sa kanila sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter