ISANG highly anticipated comeback ang ihahatid ng American pop and R&B band na 98 Degrees sa bansa.
Sa announcement ng Viva Live sa kanilang social media, naka-schedule ang grupo sa isang two-night concert na magaganap sa SM Mall of Asia Arena sa May 30 and 31 at 8PM.
Magiging highlights sa kanilang concert ang kanilang greatest hits katulad ng “Because of You,” “I Do (Cherish You)”, “Invisible Man,” at “The Hardest Thing.”
Nabuo ang grupo sa Los Angeles, California noong 1996, at sumikat noong late 1990’s at early 2000s kasama ang magkapatid na Nick and Drew Lachey, Jeff Timmons, at si Justin Jeffre.
Follow SMNI News on Rumble