9Th Curtain Call sa mga obra ni Dr. Liz Villaseñor, ibibida sa PH Air Force Museum

9Th Curtain Call sa mga obra ni Dr. Liz Villaseñor, ibibida sa PH Air Force Museum

ITATAMPOK sa SMNI ang kaabang-abang na curtain call sa ika-9 na art exihibit ng Philippine Navy Reserve na si Dr. Liz Villaseñor.

Isasapubliko nito ang kaniyang mga natatanging obra at mga istorya sa likod ng kaniyang mga likha sa Philippine Air Force Museum, Pasay City.

Katuwang ang Philippine Air Force, ibabahagi rin dito ang iba’t ibang artifacts ng mga sinaunang kagamitang pandigma at kasaysayan ng Hukbong Pamhimpapawid sa mga nagdaang dekada.

Nakatakdang daluhan ang aktibidad ng malalaking personalidad mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Si Villaseñor ay miyembro din ng Tagapagtaguyod ng Sining at Kultura ng Pilipinas (TSKP) at kasakukuyang empleyado ng Manila City Hall.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter