PGMA, tinawag na ‘intelehente’ si PBBM sa Davos trip nito

PGMA, tinawag na ‘intelehente’ si PBBM sa Davos trip nito

PINURI ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang naging performance ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdalo nito sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Saad ni PGMA, maganda ang dating ni Pangulong Marcos sa harap ng economic at world leaders sa WEF lalo na’t ‘western educated’ at ‘intelehente’ ito.

Binati rin ni PGMA ang matatas na pananalita ng Pangulo sa harap lahat ng kanyang speaking engagements.

‘’He is western educated, at intelehente siya, articulate sya. To put it in English, he speaks their language,’ ani Arroyo.

Batid naman ni PGMA ang kahalagahan ng pagdalo ng bansa sa WEF sapagkat present dito ang gobyerno at pribadong sektor.

Saad naman ni Arroyo na handang-handa ang Pilipinas na tanggapin ang mga investor na magnegosyo sa bansa na magta-translate sa maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter