PINAALALAHANAN ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng residente sa bansa na magdiriwang ng Chinese New Year sa abroad, na ayusin na ang kanilang re-entry permit bago sila umalis.
Inaasahan na kasi ni Immigration Port Operations Division Chief, Atty. Carlos Capulong na dadagsa ang mga bibiyahe na pipila sa mga Immigration cashiers sa tatlong NAIA Terminals para magproseso ng re-entry fee.
Ipinaliwanag ni Capulong na bukod sa NAIA ay maaari din namang kumuha ng nasabing permit sa alinmang Immigration offices sa buong bansa.
Samantala, nakabukas aniya 24/7 ang one stop shop sa NAIA Terminal 3, kung saan maaaring makakuha ng permit ang mga paalis na pasahero bago ang kanilang flight.
Sa ilalim ng Immigration laws, lahat ng dayuhan na rehistrado sa BI at may balidong visa ay dapat kumuha ng exit and re-entry permit sa tuwing aalis ng Pilipinas, kabilang dito ang permanent residents, foreign students at mga manggagawang may valid ACR I-cards.