PHIVOLCS chief, isusulong ang earthquake awareness

PHIVOLCS chief, isusulong ang earthquake awareness

ISUSULONG ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang earthquake awareness sa mga Pilipino dahil sa nangyaring lindol at pagkawasak na dulot ng 7.8-magnitude na lindol sa Turkiye at Syria.

Ayon kay PHIVOLCS officer in charge Ishmael Narag, mahalagang malaman kung gaano kalapit mula sa isang aktibong pinagmumulan ng mga lindol at maaari mo rin maunawaan kung anong mga karagdagang panganib ang maaaring makaapekto sa iyo.

Matatandaang inilunsad ng PHIVOLCS ang isang app noong Setyembre 2021 na tinatawag na hazardhunterph na nagbibigay ng impormasyon kung aling mga lugar sa bansa ang prone sa natural calamity hazards.

Follow SMNI NEWS in Twitter