PNP CIDG, ni-raid ang bahay ni Cong. Arnie Teves

PNP CIDG, ni-raid ang bahay ni Cong. Arnie Teves

NI-raid ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang bahay ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves, Jr.

Bitbit nila ang 5 search warrant para sa mambabatas.

Partikular na hinalughog ng awtoridad ang 3 bahay ni Teves sa Bayawan City at isang resort sa Basay, Negros Oriental.

Nitong Martes, sinampahan ng CIDG si Teves at iba pang indibidwal ng kasong murder kaugnay ng pagkasawi ng 3 indibidwal noong 2019.

Maliban dito, iniuugnay rin ang pangalan ni Teves sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at 8 iba pa noong nakaraang linggo.

Mariing itinanggi ni Teves na sangkot siya sa krimen lalo’t nasa Estados Unidos umano siya nang maganap ang karumal-dumal na pagpaslang sa gobernador.

Follow SMNI NEWS in Twitter