Cong. Teves, pinapauwi na ng DOJ para harapin ang mga reklamo laban sa kaniya

Cong. Teves, pinapauwi na ng DOJ para harapin ang mga reklamo laban sa kaniya

HINAMON ng Department of Justice (DOJ) si suspended Congressman Arnolfo Teves, Jr. na bumalik na sa Pilipinas, lalo pa ngayon na hindi pagbibigyan ng bansang Timor-Leste ang kahilingan ng mambabatas na mabigyan siya ng political asylum doon.

Mas mainam aniya kung haharapin na lang ni Teves ang mga reklamong illegal possession and explosives na nakasampa laban sa kaniya.

Ipinaliwanag ni DOJ Secretary Crispin Remulla na kung pagbabasehan ang panuntunan ng Immigration sa Timor-Leste ay maliwanag aniya na hindi kuwalipikado si Teves na mabigyan ng political asylum.

Ang political asylum ay isang uri ng proteksiyon para hindi maipadeport ang sinumang dayuhan na humiling nito at pinapayagan siyang manirahan sa partikular na bansa.

Ibinibigay lang ito sa sinumang politiko na nakararanas ng political harassment mula sa kaniyang bansa.

Si Teves ay nagpalipat-lipat na sa iba’t ibang mga bansa simula nang isinangkot at inakusahang utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa nadamay na siyam na sibilyan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter