Pilipinas, hindi talaga tuluyang pinalaya ng Amerika—FPRRD

Pilipinas, hindi talaga tuluyang pinalaya ng Amerika—FPRRD

HINDI tuluyang pinalaya ng Amerika ang Pilipinas mula sa mga kamay nito ang pananaw ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng kalayaan ng bansa.

Sa kaniyang programang “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa” kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, ayon sa dating Pangulo, nananatiling mahigpit ang hawak sa atin ng Amerika.

Gaya na lang ng pagpapanatili nito ng dalawang military bases sa Pilipinas.

“The Americans never let go of the Philippines totally free when we were granted independence. I supposed that, they have insisted at that time somewhere in 1947 na they would maintain the two military bases here in the Philippines, the big ones and that is the Subic for the itong mga sea assets, mga barko and Clark puro eroplano. I think that in that sense we are truly free, we are not. And even the Senate long time ago did not ratify the renewal of the continued stay of Clark and Subic, ‘yung grip nila sa atin is nandito,” pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Neutrality, wala nang saysay ngayon—FPRRD

Parang nawalan na rin aniya ng saysay ang neutrality o hindi pagpanig sa anumang bansa dahil matagal na aniyang isinuko ng Pilipinas ang bahagi ng soberanya nito sa mga Amerikano.

“Are we not being used as a pawn, parang pinupusta in this geopolitics between the rivalry of the West and Russia and China on the other side. I’d like to.. I’m sad to say that at this time neutrality has no meaning at all. We have already long time ago surrendered a part of our sovereignty to the Americans or looking it the other way around,” dagdag ni FPRRD.

Ani Duterte, nagkakaroon lang ng ugnayan ang mga bansa kung ito’y may pakinabang sa isa’t isa.

“That’s a new politics. That is simply what means, you get to be friendly with the country having economic ties, diplomatic ties and everything but then you get tit for tat, pero iyong tat mo mas malaki kaysa tit, tit maliit lang iyon. Tit for tat. I give you tit, you give me tat. So, the neutrality is lost,” ayon pa sa dating Pangulong Duterte.

 Amerika, kailangan ng Pilipinas pero hindi sa pakikipag-alyansang military—FPRRD

Sa kabila naman ng pagdepende ng Pilipinas sa Amerika pagdating sa depensa, panawagan ng dating Pangulo na sana ay lumayo ito sa pakikipag-alyansa sa militar nito.

“So in that sense, even maintaining our defense forces is always dependent on America, wala tayong masyadong freedom. Of course no self-respecting citizen in this country that I would say that we are ready for the impositions upon us by America,” aniya.

“Well fortunately though kung ganun lang naman nakatali tayo sa kanila, sana we ought to have distance ourselves from the military conflicts, maybe sabihin natin ok lang trade tayo, kaibigan tayo economic ties and people to people, relationship would be fine and still good but sana hindi tayo nagpatali sa ‘yung military ties natin sa kanila,” aniya pa.

Dagdag ni Duterte, kaibigan ng Pilipinas ang Amerika ngunit hindi ibig sabihin ay magiging kabahagi na ito sa gitgitan ng makapangyarihang mga bansa.

“And we are better off fending them at a distance. Kaibigan tayo ‘pag kailangan namin kayo, tatawag kami sa inyo. Pero ‘wag mo masyadong idikit kasi masasali kami sa rivalry between the superpowers,” giit ng dating Pangulong Duterte.

Pilipinas, naging palaasa sa Amerika pagdating sa armas at depensa—FPRRD

Binigyang-diin din ni dating Pangulong Duterte na naging palaasa ang Pilipinas sa pagpapalakas ng armas sa Amerika, at ang lahat ng ito ay may kapalit.

Taliwas sa sinasabi ng Estados Unidos na ang karagdagang sites ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay upang tulungan ang Pilipinas.

“Ang problema dito kasi na we will not able to maintain a certain angle of or whatever a distance sa America, we’ve already been dependent even in the matters of arming our defense forces and eroplano, lahat,” dagdag ni FPRRD.

“We’ve always been dependent but we are paying, we have been paying ever since at saka mahal,” aniya pa.

Matatandaan na sa ilalim ng Duterte administration noon ay pinaigting ang modernisasyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, at Pambansang Pulisya.

Follow SMNI NEWS in Twitter