OFW Party-list, tiniyak ang suporta nito sa pagpapahusay at pagpapalawak ng OFW Hospital

OFW Party-list, tiniyak ang suporta nito sa pagpapahusay at pagpapalawak ng OFW Hospital

TINIYAK ang suporta nito sa pagpapahusay at pagpapalawak ng OFW Hospital ayon kay OFW Party-list Representative Marissa ‘Del Mar’ Magsino.

Inihayag  ni OFW Party-list  na handa itong makipagtulungan sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Health (DOH) para sa pag-upgrade ng mga pasilididad at kagamitan ng OFW Hospital na matatagpuan sa Pampanga.

Ayon pa sa kongresista, napakahalaga para sa mga OFW na gumawa ng malaking sakripisyo at kontribusyon sa ating bansa, at dapat lamang tumanggap ng pinakamahusay na serbisyo ang mga ito sa pangangalagang pangkalusugan sa ospital na nakatuon para  sa kanila lamang.

“I strongly support calls to establish OFW Hospitals in the Visayas and Mindanao regions. Currently, the OFW Hospital is located in Pampanga, thus limiting its access to OFWS and qualified dependents in nearby areas,” pahayag ni Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino, OFW Party-list.

Dagdag din ng mambabatas, lubos nitong  sinusuportahan ang mga panawagan na magtatag ng mga ospital ng OFW sa mga rehiyon ng Visayas at Mindanao.

Sa kasalukuyan, ang OFW Hospital na matatagpuan sa Pampanga, kaya nililimitahan ang access nito sa mga OFW at mga kwalipikadong dependent sa mga kalapit na lugar.

Aminado rin si Magsino na mahalaga na maipakalat ang impormasyon sa mga serbisyong iniaalok ng ospital para sa mga OFW at pamilya nito.

Kaya naman dapat paigtingin ang promotional campaigns ang mga espesyal na serbisyo na iniaalok ng pamahalaan para sa mga OFW.

“To address this, we must intensify our promotional campaigns through various channels, including social media, community outreach programs, and collaborations with Migrant Workers Offices,” dagdag ni Magsino.

Matatandaan, nag-viral ang pahayag ni Senator Raffy Tulfo na mistulang isang ‘ghost town nang bisitahin niya ang OFW Hospital sa San Fernando City, Pampanga noong Hulyo 1.

Nabatid ng senador, dalawa lang ang pasyenteng pinagsisilbihan ng apat na palapag ng ospital na pawang in-patient pa.

Ang isa ay empleyado pa mismo ng ospital at ang isa naman ay nanggaling pa sa malayong probinsiya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter