Matataas na opisyal ng military defense, bibisita sa isang EDCA facility sa Lal-Lo Cagayan

Matataas na opisyal ng military defense, bibisita sa isang EDCA facility sa Lal-Lo Cagayan

TUTUNGO ngayong araw ng Huwebes, Agosto 3, 2023 ang ilang matataas na opisyal ng military defense ng bansa sa isa sa mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) facilities sa bansa sa Lal-Lo Cagayan.

Pangungunahan mismo ni AFP chief of staff General Romeo Brawner, Jr. ang pagbisita sa lugar kasama si Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Kasabay ng pagtungo sa lugar ay ang pamamahagi ng relief items sa mga apektadong pamilya ng nagdaang Bagyong Egay.

Katuwang ng Pilipinas ang ilang assets ng Amerika na maghahatid ng nasabing relief goods sa mga apektado ng bagyo.

Samantala, nauna nang nilinaw ng Defense Department ng bansa na hindi ikinokonsidera ng tanggapan nito ang muling pagpapalawak ng EDCA facilities mula sa kasalukuyang siyam na bases nito sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble