IPINAG-UTOS ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang panibagong diplomatic protest laban sa China.
Ito ay matapos ang ulat na nasa West Philippine Sea pa rin ang daan-daang Chinese vessels.
Sa impormasyong ibinigay mula sa task force ng gobyerno, ay nagsabing mayroong ‘siyam na barko’ lamang ang natitira sa katubigan ng bansa.
Ayon sa National Task Force for the West Philippine sea (NTF-WPS) habang nagmamasid ay nasa 240 Chinese militia vessels ang nanatili sa loob ng territorial waters ng bansa.
Sinabi ng Western Command ng Armed Forces of the Philippines na nakita nito ang humigit-kumulang na 136 Chinese maritime militia vessel sa Burgos Reef. Isa pang 65 na sasakyang pandagat ang nakita sa Chigua Reef, 11 sa Ayungin Shoal, siyam sa Julian Felipe Reef, anim sa Panganiban Reef, lima sa Kota Island, apat sa Pag-Asa Islands, at isa sa Likas Island. Ang mga lugar na ito ay nasa loob ng eksklusibong economic zone ng Pilipinas.
Matatandaang makailang ulit nang naghain ng protesta ang DFA at ipinatawag na rin si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian dahil sa iligal na presensya ng mga barko ng China sa Julian Felipe Reef sa WPS.
Sinabi ni Locsin na bagama’t wala pa siyang nakukuhang ulat mula sa NTF, inaatasan na nito ang DFA sa paghain ng panibagong diplomatic protest.