Pagba-byahe ng mga balota para sa 2023 BSKE sinimulan na ng COMELEC

Pagba-byahe ng mga balota para sa 2023 BSKE sinimulan na ng COMELEC

SINIMULAN na ng Commission on Election (COMELEC), Miyerkules ng gabi ang dispatching ng mga balota na gagamitin para sa 2023 BSKE.

Ang unang ibiniyahe ay ang mga balota nang mga malalayong lugar gaya nang BARMM na kinabibilanham ng Basilan, Lanao Del Sur, Maguindanao Del Sur at Tawi-Tawi maging ang Region IX o Zamboanga Peninsula.

Sa BARMM, 3.4m official ballots ang itra-transport kung saan mahigit 2-M ang may Barangay ballot at mahigit 968, 000 ang SK ballots.

Mahigit din sa 3-M ballots ang ipinadala sa Region IX o ang Zamboanga Peninsula.

Maliban sa mga balota, kasama sa mga ita-transport ay mga indelible ink, canvassing forms, election returns.

Ang mga kargamento, iba-byahe sa pamamagitan ng cargo trucks sa halip na ibyahe sa eroplano para sa cost efficient operation.

Kasama ang Law Enforcement Unit sa pagbyahe ng mga balota para matiyak ang seguridad ng mga ito.

Ang mga balota ay inaasahang darating sa Port of Entry sa Zamboanga sa Oktubre 11 at sa Port of Davao sa Oktubre 15.

Follow SMNI NEWS on Twitter