NAKUHA na ng Comission on Elections (COMELEC) ang target nito na bilang ng mga bagong registrants para sa eleksyon sa susunod na taon.
Ayon sa pinakahuling datos ng COMELEC, mahigit 60 milyon na ang kasalukuyang registered voters sa Pilipinas.
Mahigit isang milyon dito ay mga newly registered na inaprubahan ng electoral registration board o ERB.
Nasa 816,183 naman ay mga first-time voters o ang mga maglalabing walong taong gulang bago pa ang Mayo 2022 elections.
Habang nasa mahigit 58 milyon ang existing voters.
Samantala, mahigit 150,000 voters naman ang tinanggal ng ERB sa registration list ayon sa COMELEC.
Ang 2,704 ang na-deactivate matapos hindi nakaboto sa huling dalawang halalan, nasa 17,801 ang mga voter na may double registration, habang 2,562 ang double entry, at 66,069 ang mga lumipat sa ibang lugar.
Habang mahigit 67,000 naman ang kinansela dahil binawian na ng buhay.
Target ng COMELEC na magkaroon ng hindi bababa sa 62 million registered voters para sa 2022 poll.
Para sa mas mabilis na registration, matatandaang kamakailan ay naglunsad ang komisyon ng mobile app na maaaring ma-access ng kahit anong smartphone kahit offline.
Bukas ang voter registration ng COMELEC hanggang September 30 at ngayong araw ay ang ika-99 araw bago ang pagtatapos ng registration.
(BASAHIN: E-money transfer posibleng magamit ng pulitiko para sa vote buying — COMELEC at PNP)