E-money transfer posibleng magamit ng pulitiko para sa vote buying — COMELEC at PNP

E-money transfer posibleng magamit ng pulitiko para sa vote buying — COMELEC at PNP

POSIBLENG magamit ng pulitiko ang e-money transfer pambili ng boto sa halalan 2022.

Ito ang babala ng Commission on Elections (COMELEC) at Philippine National Police (PNP) sa posibleng talamak na vote-buying gamit ang bagong teknolohiya.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na maging advanced na ang sistema ng vote-buying sa bansa sa pamamagitan ng mga e-wallet o electronic money transfer.

Dahil dito makipag-ugnayan ang COMELEC sa mga kompanyang nag-aalok ng serbisyo, para pag-usapan ang posibleng magawa at maiwasang magamit ng mga pulitiko sa vote-buying.

Una nang sinabi ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na hindi malabong mangyari ang vote buying sa pamamagitan ng cashless transactions kaya sisimulan ng pulisya na makikipag-ugnayan sa mga stakeholders gaya ng COMELEC para makapaglatag ng mga mekanismo kontra sa vote-buying gamit ang bagong teknolohiya.

(BASAHIN: Voter registration para sa eleksyon 2022, umabot na sa 4.8 million —COMELEC)

SMNI NEWS