Olympic organizers sa Japan, ipagbabawal ang pagbebenta ng alcoholic drinks

Olympic organizers sa Japan, ipagbabawal ang pagbebenta ng alcoholic drinks

IKINOKONSIDERA ng mga organizer ng Tokyo Olympic games sa Japan na ipagbawal ang pagbebenta ng alcoholic drinks sa mga venue ng kompetisyon.

Ayon sa presidente ng Tokyo Olympics Organizing Committee na si Hashimoto Seiko, ang ideya ng pagbebenta ng alak sa mga manonood ay tinalakay noong Lunes.

Aniya, ang committee ay tumitingin sa mga pangkalahatang alituntunin at kung ang mga manonood ay makakapag-obserba ng mga ligtas na protocol at maiiwasang magsalita ng malakas at pagsigaw.

Ang committee ngayon ay isinasagawa ang pagbabawal sa alak, bilang pinakamataas na prayoridad sa kaligtasan ng laro, at plano din nilang ilabas sa lalong madaling panahon ang mga alituntunin para sa kilos ng mga manonood, kasama ang pagkain at pag-inom sa mga venue.

Samantala, plano ng opisyal na limitahan ang kapasidad ng venue sa 50% na may pinakamataas na 10,000 katao.

Subalit maaari pa ring hindi payagan ang mga manonood sa venue kung magdeklara ang gobyerno ng state of emergency.

(BASAHIN: Japan, maglalaan ng hotel na mayroong 300 kwarto para sa Tokyo Olympics)

SMNI NEWS