Presyo ng petrolyo, tataas ngayong linggo

Presyo ng petrolyo, tataas ngayong linggo

SA mga magpapakarga ng gasolina sa kanilang mga sasakyan ay gawin niyo na dahil bukas, epektibo na ang taas-presyo ng produktong petrolyo.

Tinatayang tataas ng mula P0.10 hanggang P0.40 ang kada litro ng gasolina.

Bukod sa gasolina ay may inaasahan din ang pagtaas ng aabot sa P0.10 ang presyo ng kerosene habang posible namang may rollback o walang paggalaw ang kada litro ng diesel.

Nauna nang nag-anunsiyo ng pagtaas ang Cleanfuel at Seaoil habang hinihintay na lang ang kumpirmasyon mula sa ibang oil companies para sa kanilang pinal na price adjustment na agad ipatutupad bukas, araw ng Martes.

Ayon sa Department of Energy, isa sa mga dahilan ng pagtaas ng langis ay ang nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, maging ang mataas na oil demand ng U.S. at India, at pagbaba ng imbentaryo ng krudo sa Amerika.

Matatandaang, ito na ang ika-walong beses na taas-presyo ng gasolina ngayong taon habang ika-anim na rollback sa presyo ng diesel.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter