MATAPOS ang limang sunod na linggong may pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, karampot na bawas-presyo naman ang aasahan ng mga motorista ngayong araw.
Sa abiso ng kompanyang Pilipinas Shell, Seaoil at Caltex, mababawasan ng 60 sentimos ang kada litro ng kanilang gasolina.
10 sentimos naman ang tapyas sa presyong kada litro ng kanilang diesel habang 40 sentimos sa kerosene.
May kaparehong bawas-presyo rin sa gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petro Gazz, at iba pang kompanya ng langis.
Epektibo ang naturang oil price rollback kaninang alas-sais ng umaga maliban sa Caltex at Cleanfuel na alas-dose uno ng hatinggabi.