Nagpapakalat ng deep fake video ni PBBM na nag-uudyok ng aksiyon laban sa China, pinakakasuhan

Nagpapakalat ng deep fake video ni PBBM na nag-uudyok ng aksiyon laban sa China, pinakakasuhan

NAGTUNGO ang grupong Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas sa PNP Anti-Cybercrime Group upang ihain ang reklamo laban sa mga taong nagpakalat ng diumano’y PBBM Deep Fake video sa social media.

Pinangunahan mismo ng chairman ng grupo na si Dr. Michael Raymond Apacible Aragon ang paghahain ng reklamo.

Hiling ng grupo na kasuhan ng kriminal ang mapatutunayang sangkot sa pagkakalat ng nasabing video.

Ang nasabing video ay naglalaman umano ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gumawa ng aksiyon laban sa puwersa ng China.

Matatandaang itinanggi ng Presidential Communications Office (PCO) ang nasabing video at wala anilang ganoong direktiba ang Pangulo ngunit likha lamang anila ito gamit ang generative artificial intelligence.

Tinawagan na rin ng pansin ang tanggapan ni Interior Secretary Benhur Abalos para imbestigahan ang insidenteng ito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter