NAPAPANAHON na upang bumili ng limang milyong doses ng flu vaccines ang Department of Health (DOH).
Ito’y dahil inaasahan na ang pagtaas ng kaso ng influenza sa susunod na mga buwan ayon kay Infectious Disease Expert Rontgene Solante.
Sa katunayan, mainam na simula Abril hanggang Hulyo ay nabakunahan na ang senior citizens kontra flu dahil Agosto hanggang Enero ng susunod na taon ang madalas na peak ng nabanggit na viral infection.
Ani Solante, partikular na ninanais nitong protektahan ng flu vaccines ang mga senior citizen upang maiwasan ang mayroong masawi, ma-hospitalize at magkaroon ng komplikasyon sa mga ito.