Sec. Dizon, nanawagan ng karagdagang lane at libreng toll sa North Luzon Expressway

Sec. Dizon, nanawagan ng karagdagang lane at libreng toll sa North Luzon Expressway

DAHIL sa nangyaring pagsabit ng isang truck sa ilalim ng Marilao bridge, naging usad pagong ang daloy ng traffic sa North Luzon Expressway (NLEX).

Nanawagan si Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon sa management ng NLEX na dagdagan o maglaan ng karagdagang lanes at magpatupad ng libreng toll para sa mga motorista sa apektadong bahagi ng expressway, partikular sa kahabaan mula Balintawak hanggang Marilao.

Ayon kay Dizon, makatwiran lamang na hindi muna maningil ng toll fees ang NLEX sa mga  motoristang dumadaan sa Northbound side habang isinagawa ang pagsasaayos ng tulay.

Aniya dobleng pasakit  naman samga motorista kung sisingilin pa sila ng buo habang ilang oras silang naiipit sa traffic,at  maliit na pakonswelo lang ito sa abalang dinaranas ng mga motorista at pasahero.

Samantala, inatasan na rin ng Toll Regulatory Board (TRB) ang NLEX na magbigay ng paliwanag kung bakit hindi ito dapat patawan ng parusa sa pagpapahintulot sa isang trak na may labis na taas na nagdulot ng aberya sa mga motorista na makapasok sa toll Plaza.

Nagsampa naman ng reklamo ang NLEX ng reckless imprudence resulting in damage to property laban sa driver at may-ari ng trak.

Kasabay nito, naglabas rin ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order sa kumpanya ng trak at sa driver nito.

Tiniyak ni Dizon sa publiko na ang DOTr at mga kaugnay na ahensiya ay nakikipag-ugnayan sa NLEX upang mapabilis ang pagsasaayos ng tulay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble