NILISAN na ni Alyssa Eroa ang PVL team na Galeries Tower Highrisers.
Kasunod ito ng kaniyang 13-month stint kasama ang nabanggit na team.
Ngayong 2024-2025 PVL All-Filipino Conference, matatandaang isa si Eroa sa susi para matalo ng underdog na Galeries ang isa sa power teams na Cignal HD Spikers at makapasok sila sa quarterfinals.
Noong 2024 Reinforced Conference naman ay ginawaran si Eroa bilang ‘Best Libero’.