MAGTAGUMPAY ang Miami Heat laban sa Philadelphia 76ers matapos ang dikit na laban ngayong Martes, Abril 8.
Naipanalo ng koponan ang laro sa iskor na 117-105.
Nanguna sa panalo ang trio na sina Duncan Robinson, Tyler Herro at Kel’el Ware.
Nag-ambag ng 21 points si Robinson habang may 20 points naman si Herro.
Nagtala rin ng double-double si Ware na may 19 points at 17 rebounds.
Sa ngayon, nasa ika-10 puwesto sa Eastern Conference standings ang Heat na may 36 wins at 43 losses.
Sunod nilang makakaharap ang Chicago Bulls, na kasalukuyang nasa ika-9 na puwesto.