ISANG nakakakilig na rendition ang handog ng South Korean singer and Super Junior vocalist na si Kyuhyun sa mga fans matapos niyang kantahin ang OPM hit song ni Moira Dela Torre na “Paubaya.”
Marami ang natuwa at humanga sa talent ni Kyuhyun sa kaniyang pagkanta ng Filipino song kasama ang original singer.
Sinimulan ni Moira ang verse at chorus nito at sinundan naman ni Kyuhyun kasabay ay hiyaw ng mga fans.
Mas lalong pinalamig ng dalawa ang theater with their blended notes.
Namangha rin si Kyuhyun sa Filipina singer nang kinanta ni Moira ang “Last Poem,” isang Korean single ni Kyuhyun, pati na ang pagiging fluent ni Moira sa pagsasalita ng Korean words.
Sagot naman ni Moira na dahil din ito sa kanyang hilig sa K-drama.
Ibinahagi rin ni Kyuhyun sa kaniyang concert ang kaniyang excitement na makasama sa kaniyang performance si Moira.
Ang concert na naganap sa New Frontier Theater sa Quezon City ay dinumog ng mga Kyupiters at ELF’s, at ito rin ang last stop ng kaniyang 10th Anniversary Asia Tour “Colors.”