ISANG panibagong kanta na naman ang handog ni OPM singer-songwriter Moira Dela Torre.
Ang kanta ay may pamagat na “San ka na” at inilabas ito noong Nobyembre 4 kasabay ang pagdiriwang ng kaniyang kaarawan.
Para sa mga interesado, available na ito sa iba’t ibang digital streaming platforms habang ang lyric at official live performance ay makikita sa YouTube channel ng singer.
Kaugnay nito, kamakailan ay kinilala ang ilang Pinoy artists sa naging 10th anniversary celebration ng digital music service na Spotify sa Pilipinas nitong Oktubre 8.
Isa nga dito si Moira kasama sina Maki, Ben&Ben, Up Dharma Down, Zack Tabudlo, Nobita, Adie, Janine Berdin, IV of Spades, Sunkissed Lola, December Avenue, Arthur Nery, Hale, at Hev Abi.
