MAGLULUNSAD ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng bagong audit tool para suriin ang tibay ng mga gusali laban sa malakas na lindol gaya ng ‘The Big One’ na maaaring tumama sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.
Ayon kay DILG Undersecretary Marlo Iringan, layon ng Harmonized Infrastructure Audit Tool na tiyaking ligtas at matatag ang mga gusali sa bansa.
Isasagawa ang pilot testing gamit ang naturang audit tool sa National Capital Region, Central Luzon, at CALABARZON.
Katuwang sa proyektong ito ang ilang pamantasan, kung saan sasama ang mga 4th at 5th year engineering students sa pag-audit ng mga gusali.
Binanggit ni Iringan na ang tool na ito ay magtatakda ng pambansang pamantayan sa pagsusuri ng kaligtasan ng mga pampublikong imprastruktura.
Batay sa datos ng PHIVOLCS, may 3,200 estruktura ang nasa West Valley Fault at tinatayang 12-13% ng mga residential building ang maaaring magkaroon ng matinding pinsala kapag tumama ang ‘The Big One’.