HINDI pinalagpas ni Honeylet Avanceña ang pagkakataon na magpasalamat sa isang kaibigan na hindi kailanman tumalikod kay dating Pangulong Rodrigo Duterte—isang kaibigan na nanatili sa kanyang tabi, lalo na sa gitna ng matitinding hamon.
Ang taong ito ay walang iba kundi si Pastor Apollo C. Quiboloy – isang tapat at matagal nang katuwang ni Pangulong Duterte sa maraming laban at pagsubok sa buhay. Sa kabila ng lahat ng pagsubok, nanatili si Pastor Quiboloy sa tabi ng pamilya Duterte – isang tunay na halimbawa ng pagkakaibigan na sinubok at pinatibay na ng panahon.
“Siyempre, isang mabuting kaibigan namin. Pastor, maraming salamat dahil alam mo, ikaw ang unang naging biktima. Kitang-kita namin kung paano ka ginipit, pero sinabi ko talaga sa kanya (PRRD), ‘Wala ka nang kaibigang kasing-tapat niya (Pastor).’ Kahit anong gawin nila para pabagsakin ka, hindi mo kami tinalikuran,” ayon kay Honeylet Avanceña.
Bukod sa pagpapasalamat ay nagpaabot din ng buong suporta si Avanceña sa kandidatura ni Pastor Apollo Quiboloy sa nalalapit na halalan. Hinimok niya ang mga Pilipino na pagkatiwalaan at suportahan ang mga layunin at prinsipyo ng butihing Pastor sa kanyang pagtakbo sa Senado.
Nanawagan din si Kitty Duterte, ang bunsong anak ni dating Pangulong Duterte, sa publiko na magbigay ng buong suporta sa buong PDP-Laban at bumoto nang tuwid sa darating na eleksyon.
“And I know, I know, I know, God willing, you will make it. And I’m asking all the Filipino people to please support Pastor Apollo Quiboloy. Daghang salamat,” saad ni Honeylet Avanceña.
“[Vote] Straight tayo sa PDP. Dapat talaga [vote] straight tayo sa PDP. Bakit pa tayo magkakamali at magtitiwala sa iba, gayong nakita naman natin na ang mga taong ibinoto natin—na dapat sana’y nagpoprotekta sa atin, sa interes ng mga Pilipino, at sa pera ng bayan—wala na,” dagdag nito.
“Suportahan natin ang PDP Laban. Vote straight,” ayon kay Kitty Duterte.
Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, nagbigay si Kitty ng isang personal na pagbati kay Pastor Apollo Quiboloy, at nagpasalamat sa kanyang walang-sawang pagsuporta sa pamilya Duterte.
“And I would like to greet Pastor Quiboloy. Hi Pastor. Sana maalala mo pa ako. Kasi since maliit ako, syempre. Mabuhay kayo!” ani Kitty Duterte.