KUMPIRMADO nang magbabalik sa beach volleyball sina Sisi Rondina ng Choco Mucho Flying Titans at Bernadeth Pons ng Creamline Cool Smashers.
Silang dalawa ang magiging representative ng Alas Pilipinas sa Women’s Beach Volleyball sa 33rd Southeast Asian Games na gaganapin sa Thailand sa December.
Si Pons at Rondina ay matagal nang magka-partner pagdating sa beach volleyball kung kaya’t excited na rin ito sa kanilang muling paglalaro sa naturang larangan.
Ito na rin ang muling pagbabalik ni Sisi sa beach volleyball matapos ang dalawang taon na indoor volleyball sa PVL.
Follow SMNI News on Rumble