NASA mabuti nang kalagayan ang pangulo ng Brazil matapos isugod sa hospital kamakailan lamang.
Ayon sa mga tumitinging eksperto kay Brazilian President Jair Bolsonaro ay nasa ligtas na umanong kalagayan ang pangulo matapos itong makabitan ng nasogastric tube.
Ito ay matapos itong makaramdam ng pananakit ng tagiliran dahil sa intestinal obstruction na agad namang isugod sa Vila Nova Star Hospital sa Sao Paulo.
Ayon sa mga doktor na tumitingin sa pangulo ng Brazil na sina Dr. Antônio Macedo, Leandro Echenique, Ricardo Camarinha, Antonio Antonietto, at Pedro Loretti wala pa umanong pinal na assessment kung kinakailangan pa itong operahan pa.
Sa pagtataya ng surgeon na si Dr. Antônio Macedo hindi na umano pa kailangan pang dumaan pa sa operasyon ang pangulo, gayunpaman ay muli nitong i-aassess ang kalagayan ni Bolsonaro para makatiyak.
Matatandaan na isinugod sa ospital si Bolsonaro dahil sa pananakit ng tagiliran nito kaugnay ng natamo nitong saksak noong taong 2018 habang nangangampanya ito sa Minas Gerais.