Kamara, titiyakin na sapat ang national budget ng taong 2023 para maipagpatuloy ang economic growth

Kamara, titiyakin na sapat ang national budget ng taong 2023 para maipagpatuloy ang economic growth

INIHAYAG ni Speaker Martin Romualdez na titiyakin ng Kamara de Representante na sapat ang P5.268-trillion national budget para sa taong 2023 upang maituloy ang economic growth sa gitna ng pandemya.

Aniya, sisiguraduhin din ng Kamara na ang lahat ng gastos ay para makapag ambag sa ekonomiya upang muling bumalik sa economic growth bago ang pandemic COVID-19.

Ang budget deliberations ay nagsimula ng isang briefing kasama ang Development Budget Coordination Committee kabilang sina Budget Secretary Amenah Pangandaman, Finance Secretary Benjamin Diokno, Secretary Arsenio Balisacan ng National Economic and Development Authority at Gov. Felipe Medalla ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sinabi rin ni Romualdez na bawat sentimo ng budget ay susuriin kung saan mapupunta.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang Gross Domestic Product (GDP) ay tumaas ng 8.2 percent sa unang quarter ng taong 2022 at 7.4 percent sa ikalawang quarter ng taon.

Nananawagan naman si Romualdez sa ibang kongresista na makipag-kaisa sa hearing para sa 8-point economic agenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nakapaloob sa medium-term fiscal framework.

Follow SMNI NEWS in Twitter