ITATAYA ni Japanese Boxer Naoya Inoue ang apat nitong boxing titles sa magiging laban nila ni Paul Butler ngayong December 13.
Sa naturang laro, binigyang-diin ng Japanese boxer na nais niyang makuha ang titulo ni Butler.
Si Inoue ang kauna-unahang Japanese fighter na nanguna sa pound-for-pound rankings ng Ring Magazine bilang ‘best fighter’ sa ilang Weight Divisions.
Huling naglaro si Inoue noong Hunyo laban kay Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa Super Arena, Saitama, Japan kung saan nanalo ito via technical knockout.
Samantala, si Butler ay huling nakipaglaban nitong Abril kontra Filipino Boxer Jonas Sultan at nanalo ito via unanimous decision.